Thursday, December 4, 2008

POLITICALLY MATURE: PINOYS OR THAIS?

The Thai envoy to the Philippines protested the offensive remarks made by Pres'l Deputy Spokesman Anthony Golez.

May kinalaman ito sa reaksyon ni Golez regarding sa paghahambing o pagkukumpara sa sitwasyong pulitikal sa Thailand at sa Pilipinas.

Ayon kay Ambassador Kulkumut Singhara Na Ayudhaya, sinabi raw ni Golez na kaya ganun na lamang kalala ang kaguluhan sa gobyerno ng Thailand ay dahil sa 'lack of political maturity' ng mga mamamayan nito, di raw gaya nating mga Pinoy.

Pero, itinanggi ito ni Golez. Wala raw siyang sinasabing ganito.

Sa isang pahayagan, na-quote naman si Golez na ang sinabi raw niya ay something like di mararanasan ng Pinas ang naranasan ng Thailand nitong mga nakalipas na araw dahil ang mga Pinoy ay nasa mataas na level na ng political maturity.

Hmmm... kung ganito nga ang konteksto ng pahayag ni Golez...
Mr. Golez, mukhang may basehan ang Thai official para siya'y pumalag. Hindi nyo nga lang kasi direktang sinabi na 'immature' o wala pa sa 'high level of political maturity' ang mga Thai HEHE

Teka, nag-mature na nga ba ang mga Pinoy pagdating sa ganitong usapin?

No comments: