Thursday, May 22, 2008

NEWS CHUNKS AND TIDBITS #3

President Arroyo has approved P10-million modernization fund for the Philippine National Police.
 
The latter promises to purchase six [6] brand new helicopters!
 
Promise yan ha? Baka, second-hand lang 'yan o kaya, just like sa case ng mga celfone-- recon?!?
 
+++
GMA Network's [probably] most bankable actress Marian Rivera has just won three awards from recently-concluded 38th Box-Office Entertainment Awards of Guillermo Mendoza Memorial Park Foundation; Most Promising Female Star, Phenomenal TV Star (for "Marimar') and Face of the Night.
 
Quite ironic, you've been cited as a 'Phenomenal TV Star'... and yet, bibigyan ka pa ng 'most promising...'?
 
What's the real score...phenomenal ba si Marian o promising pa lang?
 
+++
 
Wow!
 
Though I still didn't have the latest FHM issue, I can't help myself to stare on sexy pics of this month's cover girl Priscilla Adona, posted on FHM website.
 
You could really have 'malaking titik O' -- OMG!
 
Priscilla has probably outdid Katrina Halili's performance!
 
But don't get me wrong, though, I still love Kat hehe
 
Anyway, Priscilla is Maui Taylor's co-star of the upcoming movie 'Torotot.'


 
 

Send instant messages to your online friends http://uk.messenger.yahoo.com

Tuesday, May 13, 2008

PINOY iPHONE

Later this year, the much-hyped iPhone will be available in Australia, SIngapore, India and here in the Philippines.



Reportedly, the Ayala-led Globe Telecom, Inc. has bagged an agreement as the Pinoy-partner of this 'baby' from Apple. [See Globe website]

Well, we still have to wait for further announcements as the said report seems to imply that Globe will be the SOLE distributor of iPhone in our country.

Anyway, this high-end gadget is already available in grey market especially in Metro Manila, amounting as much as Php27,000 [for 16G].

However, the units are modified via software dahil hindi nababasa ng mga ito ang anumang SIM [local] dito sa Pinas.

But hindi na big deal sa iba iyan... sa talino ba naman ng lahi natin, kaya nang i-hack 'yan maski sa kanto!

Friday, May 9, 2008

NEWS CHUNKS AND TIDBITS no.2

Report kagabi sa Saksi [GMA7] ang pagyari ng MMDA sa mga jeepney driver na namamasadang malakas magpatugtog.

Ito yung mga may jeep na tinatawag na 'patok'-- na patok-na-patok sa mga estudyante at ilang pasahero na karaniwa'y nasa Antipolo-Marikina-Cubao-Manila area.

Ito rin yung mga ubod-bilis sa pagmamaneho ang mga drayber na bidang-bida sa kani-kanilang modern-looking jeep.

Pero syempre, hindi naman daw lahat natutuwa sa mga 'patok' na jeep.

Sa sobrang ingay sa loob ng jeep, ang pagbabayad at pag-para ay pahirapan.

Kahapon, kinumpiska ng mga taga-MMDA ang mga stereo ng mga naturang jeepney driver na malakas daw magpatugtog.

+++

Kwela ang kwento ni Wilbert sa aniya'y minsang pagbili nya sa tindahan ng isang sitsirya.

Kapwa raw tawa sila nang tawa ng dalagang tindera dahil sa litanya nyang 'Isang kiss nga.'



Paano kasi, KISS ang pangalan ng sitsirya.

+++

Isyu pa rin ang galit-galit sa mana-mana sa angkan nina Sen. Jamby Madrigal.

Iginigiit ng senadora ang kanyang karapatan.

Pahayag pa nya sa programang Bandila [ABS-CBN2], pineke ang pirma ng kanyang namayapang tiyahing si Doña Chito Madrigal sa inilabas umano nitong Last Will and Testament. Kaya naman, ipapawalang-bisa niya ito sa korte.

Ni kusing, wala kasing matatanggap si Sen. Jamby pero ang ilang kaanak-- oo.

Sinasabing naibigay na raw kasi sa senadora ang parte ng mana na ginamit daw nito nang kumandidato noong eleksyon.




Nilinaw ng senadora galing sa kanyang ama ang nasabing pondo sa kanyang kandidatura.

Tila nga't malaki ang iringan sa loob ng angkan-Madrigal.

+++

Out na si Jason Castro sa American Idol.

Mukha ngang naka-apekto sa votes nya ang pagkakalimot nya ng ilang bahagi o lyrics ng Mr. Tambourine.

Ang tatlong natitira sa AI-- sina Syesha Mercado, David Cook at David Archuleta.

Hmmm...parang mas malamang manalo si Mr. Cook. Siya ang medyo 'versatile' sa kanilang mga 'survivor.'

Bet din ng dating AI contestant na si Ramielle Malubay si David Cook.

CAMSUR TRIP

Bigla akong naumay sa ilang beses ko nang naririnig na balita o anuman kaugnay ng Next-Boracay thing na nadiskubre sa aming probinsya-- ang Camarines Sur sa Bicol. Mas kilala ito ngayon na CamSur-- pa-ikling tawag. Last year ko pa nabasa sa isang travel magazine ang tungkol sa Caramoan at late na itong Water Sports Complex. Meron pa nga raw dun sa Mt. Isarog... not sure. Nitong Biyernes, naglakwatsa roon sina Jec at Vlad. They claim na napakaganda ng place-- remote thing... but surely has right to be called a paradise. Kainis, naunahan pa nila ako. Last visit ko sa province namin ay noong grade 1 pa yata ako noon... ang naalala ko lang dun ay nang isakay ako ng tiyo ko sa kalabaw. Anyway, tama na ang senti. Attached here ay exclusive [daw] video [in favor sa inyong abang blogger] ng pagtuntong nina Jec at Vlad sa Caramoan Island. May anik-anik din akong siningit bwehehe. Kay Jec na ako magpapaliwanag hehe. Anyway, enjoy na lang kayo sa video!


Wednesday, May 7, 2008

MERALCO: MAY LIWANAG NGA BA SA ISYU?


Sana, hindi na lang isinali ng isang brodkaster [na itago natin sa alyas na Mr. I] ang ABS-CBN sa kanyang komentaryo kaugnay sa isyu ng Meralco at ng gobyerno.
 
Bagama't agad sinabi ni Mr. I na mag-sister company ang ABS-CBN at Meralco... binanggit pa niyang hindi naman daw ligtas ang ABS sa pagbabayad ng bill ng kuryente sa Meralco.
 
Kung matalino ka, alam mo kung ano ang ire-reak mo kay Mr. I.
 
Dangan din lang, Lopezes own ABS and Meralco... kapwa man magbayad sa isa't isa ang dalawang kumpanya-- hindi sya big deal. Iikot lang naman kasi ang pera sa iisang may-ari di ba?
 
Nakakatawa rin ang pagsasabi ni Mr. I-- na may ideyang silipin muna raw natin kung maganda ang track record ng gobyerno hinggil sa panukala ng iba na government takeover sa Meralco.
 
Ako, personal na opinyon, hindi rin ako pabor sa takeover... pero sa pagsupil sa monopolyo ng Meralco sa Metro Manila, kung hindi man sa Luzon-- OO ako.
 
Hey guys, sino pa ba dito sa Pinas ang hindi nakakaalam sa mga eskandalo ng gobyerno? Anong bago?
 
Huwag na nating ilihis ang usapan... ginigipit man o hindi ng gobyerno ang Meralco-- MAINAM PA RING ITULOY ANG PAGKALKAL SA USAPING ITO SA KURYENTE.
 
Ang kapakinabangan sa isyu ay hindi [lang] naman sa gobyerno-- kundi sa amin... I mean, SA AMING MGA KARANIWANG MAMAMAYAN.
 


 
 

Send instant messages to your online friends http://uk.messenger.yahoo.com

Tuesday, May 6, 2008

ASKAL VS. ASO

Nagtatalo ang iba kong kasama sa trabaho kung dapat bang gamitin ang salitang 'askal'?

Para kasing nade-degrade o nadi-discriminate ang mga 'asong kalye' sa mga may-breed na aso.

Sa isa ngang news report noon sa GMA, gumamit pa ng salitang 'ASPIN' para palitan ang salitang 'askal.'

ASPIN means 'asong Pinoy.'

Kung tutuusin, sabi ng iba, eh, 'askal' naman talaga ang mga iyon.

Debate heats up!

Ako?!

Isa lang ang punto ko-- lumaki ako dito sa mundo na ang tawag sa aso ay aso.

Kung may makikita akong may half-breed o imported na aso-- aso pa rin ang tawag ko sa kanya maliban na lang kung uusisain pa sa akin kung anong lahi nya, tama?

Kung ang aso mo naman ay 'native' dito sa atin-- don't worry, aso pa rin ang tawag ko dyan.

Hindi ko personal na ginagamit ang salitang 'askal' to refer such dog.

Paniwala ko, inimbento lang ang salitang 'askal' ng mga taong mababa ang tingin sa aso o kung hindi man ay ng mga taong nagma-may-ari at nagbibida sa kanilang imported dogs.

Hindi ako ipokrito para sabihing wala naman akong ganoong kalaking espesyal na pagtrato sa hayop-- pero, para sa akin-- malaking kahunghangan talaga ang pagiging sobrang talino ng iba... na tipong kapag may nakita silang iba o hindi nila kapareho ay tila napakadali na sa kanila ang manghusga at magbansag.

Paraan lang nila iyon para mahiwalay sa iba...umangat sa iba.

Tsk, tsk!

Kahunghangan.

Thursday, May 1, 2008

SONG REQUEST: O JO KALUGURAN DAKA



Much-favorite song these days and 'talk of the town' daw ang O Jo Kaluguran Daka.

This song is a Tagalog-Kapampangan rendition of the country-love song 'Sometimes When we Touch' by Dan Hill.

Actually, hindi naman ako nagagandahan sa adaptation na ito... simply because hindi ko rin gaano gusto even yung Sometimes...

Muli nating pinatunayang mga Pinoy na madali tayong ma-in-love minsan sa mga awiting kakaiba sa ating pandinig even if we don't really understand it.

Hindi ba't ganito ang nangyari sa kasikatan ng Dayang-Dayang?

Anyway, alam kong gustung-gusto ni Kuya Dave Ventura ang O Jo Kaluguran... at 'wag kayo.. it is also being played over Amy Perez's radio program every weeknight sa DZMM.

I also dedicate this stuff to Ms. Rosetti Rivera [Amy-nista kasi] and her gang sa 'desk.'

Enjoy the song!


LYRICS
Tinatanong kung mahal kita,
At bakit nagkahiwalay,
Sa puso ko’y di natanggap,
Pagkat mahal kita.
Ako’y nananalangin,
Na makapiling ka,
Ang ibig kong sabihin,
Lahat ay gagawin ko.

Chorus:
Ojo kaluguran daka,
Kaluguran sobra-sobra,
Kasara daring mata, Pantunan daka,
Lawen daka ga king mate ku,
Uling ika ing lulugud kaku,
Lawen daka ojo anggang atin kapang tao.

II
Kapag naaalala,
Ang kahapong kay saya,
Unti unting bumabalik,
Ang tamis ng pag-sinta.
Ako’y nananalangin,
Na makapiling ka,
Ang ibig kong sabihin,
Lahat ay gagawin ko.
(Repeat Cho.)

Refrain:
Ninais kol ang isuko ang ‘yong pagmamahal,
Ako’y lalaki lamang, marunong magmahal…
(Repeat 2nd Stanza)

SONG REQUEST: DYESEBEL




"Aking mundo"
Julia Anne San Jose
(Dyesebel OST- GMA7)


Dagat man ay naiiba sa lupa nyang mahiwaga.
Ang nais ko sana'y minsan pa makita siya makasama pah
Tahakin ang kanyang mundo na hawak siya habang tumatakbo
Sa puso ko ay nadarama na sa piling niya bawat sandali malaya
Ahhhhhh....
Chorus:
Paano kaya mabuhay?
Mundo niya kaya makulay?
puso'y taglay ang tinding saya
sa tuwing makikita siyaaaa


Dagat man ay naiiba sa lupa nyang mahiwaga.
Ang nais ko sana'y minsan pa makita siya makasama pah
Tahakin ang kanyang mundo na hawak siya habang tumatakbo
Sa puso ko ay nadarama na sa piling niya bawat sandali malaya
Ahhhhhh....

Paano kaya mabuhay?
Kung saiyo'y mawalay
Ikaw ang daigdig ng aking puso
Ikaw ang aking mundoooooo


Dagat man ay naiiba sa lupa mong mahiwaga.
Ang nais ko sanay minsan pa makita ka't makasama pa.
Tahakin ang iyong mundo
Na hawak ka habang tumatakbo
Sa puso ko ay nadarama na sa piling mo bawat sandali malaya.
ahhhhhhh.....

GUTS LANG IYAN

Uh.. I admit, am a sando boy!

And I just can't get enough when I learned from this 'fashion' page of Manila Bulletin last week that I can wear sando in 'fashionable' manner.

Ang sabi, just learn to use 'accessories.'



Good partners daw ng sando ay suspenders, hoodie, scarf and/or so-called harness.

I want to try.

Sando rules!

+++

Kung mag-aambisyon pa raw ako at magse-seryoso sa workout, the body built of that male bikini model on right side [see picture below] ay pwede ko raw ma-achieve.

Bukod sa nod na nakuha ko from my friend na 'hairstylist,' natawa pa ako sa comment ng aking kapatid na kuhang-kuha raw ng lalaki sa pic ang 'pose' na madalas kong tirahin kapag kodakan-- parang may stiff neck bwehehe.



Ganun?!? Big deal sa akin?

Frustrated model talaga ako, ano po?

*Credit: Picture from www.ultimatepinoyhunks.org

SUNGKA NI NANAY

Wala raw malibangan si Mama sa bahay. Nakaka-boring daw lalo na pag mag-isa lang sya at bukod sa panonood ng tv ay matutulog na lang.

Eh, kaso mainit nga ang panahon!

Kaya tuwang-tuwa si Mama nang may makitang tindang 'sungka' sa palengke at posibleng kaya ko raw syang ibili nun.



Noong una, nag-atubili ako...
kaso, di ko rin matiis si Mama, parang bata kasi ang panunuyo pati sa iba kong kapatid.

Sabagay, P100 lang. Yun nga lang, hindi ko naman sya mae-enjoy, hindi ako marunong nun e.