Wednesday, April 2, 2008

KAPAG ANG TAO AY GUTOM

Hindi lang ang Pilipinas ang may problema sa mga pangunahing bilihin partikular sa pagkain.
 
Kung hindi sa presyo ay suplay ang pino-problema ng maraming bansa ngayon.
 
Sa Mauritania, patuloy ang mga demonstrasyon dahil sa inaangalan nang presyo ng bilihan at mga butil.
 
Nauuwi naman sa karahasan ang mga rally sa Mozambique. Malaking isyu doon ang presyo ng langis.
 
Sa Cameroon, naging sagot ng pamahalaan ang dagdag-umento sa mga manggagawa pero hanggang ngayon, may manaka-naka uling demonstrasyon dahil sa patuloy na krisis.
 
Ang mga magsasaka naman mismo sa Argentina at Peru ang nagsasagawa ng kilos-protesta dahil sa patuloy na pagmahal ng grains.
 
Tempeh ang traditional soybean cake sa Indonesia at tinuturing na pangunahing livelihood source doon... kaya naman, kaliwa't kanan na rin ang mga protesta roon dahil sa nagmamahal na nitong presyo.
 
May mga ganitong sentimyento rin sa Mexico at Africa. Katunayan, tahasan nang sinisisi ang gobyerno sa problemang kinakaharap ng mga mamamayan.
 
May kasabihan ang ilan na 'ang taong gutom, hindi lang tiyan ang kumukulo-- pati ulo"... at kung ang gobyerno, panay hingi lang ng paunawa at hindi naman halos nararamdaman ang kanilang aksyon o tugon sa krisis sa pagkain-- paano mo nga naman, mapapahinahon ang kausap mong gutom?
 
Kung magwawalang-bahala ang pamahalaan, pwedeng-pwedeng mauwi sa mas malaking 'trahedya' ang lahat... damay pati ang posisyon ng mga nasa kapangyarihan.
 


 
 

Send instant messages to your online friends http://uk.messenger.yahoo.com

No comments: