Wednesday, April 9, 2008

RAMIELLE MALUBAY, MAY REKLAMO SA AMERICAN IDOL?!

SENTIMYENTO SA AMERICAN IDOL SEASON 7, INILABAS SA BLOG DAW NI RAMIELLE MALUBAY sa MySpace site.

Sa report ng Philippine Entertainment Portal...
Sabi raw ni Ramielle.. may technical glitch sa voting system sa AI. Sa pagboto kasi doon, pag natapos ka-- imbes 'thank you for voting Ramielle' halimbawa ay malalaman mong sa ibang pangalan ka pala nakaboto.

May ganito rin daw senaryo noong AI season 5 sa isang contestant na kabilang sa final 4.

Dagdag pa ng Pinay-American AI hopeful, madalas nakikialam ang mga staff ng show sa pagpili ng mga contestant ng kanilang gagamiting piyesa-- kung minsan, pinipilit pa sila.

Halimbawa rito ay ang co-contestant na si Brooke.

Pilit binabawalan daw ng ilang staff si Brooke na gumamit ng gitara sa gagawing performance. Mabuti na lang daw, naninindigan ang dalaga.

===
Pero, ang lahat ng mga disgusto ng nagpapakilalang Ramiele sa MySpace ay wala sa kabuuan ng exit interview ng isang Ramiele sa official American Idol website.

Para sa kanya, tama ang pagpili nya sa awiting 'Do I Ever Cross my Mind' ni Dolly Parton.

Aniya, dahil daw sa napiling kanta, mas na-grow syang performer.
===

Binigyang-diin ni Ramielle na hindi sya nagsisisi sa pagsali sa AI. Hindi nya raw makakalimutan ang mga karanasan sa show.

Malaki rin ang kanyang pasasalamat sa tatlong hurado ng contest-- Simon, Paula at Randy.

May sarili ring bet ang 20-year old na dalaga-- si David Cook.

===

Plano ngayon daw ni Ramielle ang muling mag-aral.... nursing daw ang kanyang kukunin.

Pag-amin pa nya, may mga offer na mag-showbiz sya.

Kinumpirma nyang babalik sya ng Pilipinas para sa Pinoy Idol ng GMA7.

May alok din daw ang ABS-CBN pero hindi na-detalye kung isa itong tv show o pelikula.

Makakasama nya raw doon ang isang [Pinoy] nanalo sa isang reality show. 'Altagracia' raw ang titulo na kasama sina KC Concepcion at John Lloyd Cruz.

===

Needless to say, mas maniwala dapat tayo na ang Ramiele sa AI official site ang totoong Ramiele at hindi iyong nasa MySpace!

No comments: