Wednesday, February 20, 2008

CALIGULA: SEX, VIOLENCE, CORRUPTION & CONSPIRACY

First time kong napanood itong CALIGULA ng Penthouse na pinagbidahan ni Malcolm McDowell.

Kontrobersyal ang nasabing pelikula na inilabas noong 1979.




It seems, 'porno' matatawag ang Caligula dahil may mga maseselang eksena talaga na di na siguro kailangang ilagay at/o pahabain doon.

I understand, meron daw ibang bersyon ang nasabing pelikula. Sana mapanood ko rin iyon.

Medyo nahirapan talaga ako sa panonood dahil sa dami ng 'sex scenes' na baka ma-eskandalo ang ibang kasama ko sa bahay.

Pero sa kabilang banda, naging interesado ako sa istorya dahil di ko kilala si Caligula.

Nakaka-inis nga ang karakter ng Romanong lider...

'Sex pervert' talaga siya.

Mula sa kanyang personal na buhay hanggang sa pamamalakad sa Roma, dinala ni caligula ang 'dumi' nya bilang 'maniac.'

Mistulang naging 'legal' sa ilalim ng kanyang administrasyon ang 'sex den' sa loob mismo ng institusyon ng gobyerno.

Kaya humanda ka, pag napanood mo ang film na ito.

Makikita rin sa istorya ang matinding conspiracy, corruption at violence sa panahon ni Caligula.

Kung anuman ang hahanapin mong maganda tungkol sa Rome that time ay wag ka nang umasa.

Paano nga pala kamo natapos ang istorya?

Syempre, madugo. Mmmm...sabihin na nating 'karma.'

[Oops...spoiler]

Hindi na ako magko-komento sa cinematography o anumang elemento sa pagkakagawa ng pelikula... hindi ko naman kasi iyan forte.

No comments: