Wednesday, February 27, 2008

TV ADS: Are we Good?

Childhood sweethearts ang tema ng pinakahuling commercial ng Tender Juicy Hotdog kung saan may loveteam na mga batang 'cook.'

"Uy, cheesy..."

"Tumigil nga kayo," sabay ayos sa buhok ng batang babaeng nahiya sa panunukso sa kanila ng partner nya.

Mga bata nga naman.

***

Lahat daw ng nakaka-experience na ma-in-love nagiging corny o baduy.

Anyway, who cares? Inggit lang daw sila.

Patok naman sa mga teenager ang commercial series ng GMA Network in partnership of its sponsors [Red Ribbon cakes, i-Cool gums at Close-up toothpaste] na sinimulang i-ere itong Love Month.

Iba't ibang kwentong pag-ibig ang feature sa bawat sponsored flick.

Needless to say, marami raw ang kinilig.

***

Napansin kong dalawa na ang commercial ng lalaking kasama ni Robin Padilla sa Rexona.

Ikalawa ay ang sa Smart DJ Hits ringtunes.

Pansin nyo rin ba?

***

Mas gusto ko ang mga ads ng Lucky Me na sentro ay family values at kaugnay ng positive outlook in life.

Una ay ang ad kung saan isang makalat na dining table. It symbolizes nasisira o napababayaang family ties sa mga Pilipino.

Sa panahon kasi ngayon, karaniwan na rin ang eksenang iilan na lang sa mga family members ang nagkakasama-sama sa oras ng pagkain. Ang mga oras pa namang iyon ang madalas napaglalaanan natin para sa kwentuhan at kamustahan ng magkakapamilya. Thus, tumitibay ang relasyon nila.

Maganda rin ang attitude pag ginaya natin ang batang babae sa another ad ng noodle.

Sa tuwing may nakikitang magandang bagay ang bata, bigla siyang uusal ng "Thank You po" kay Lord.

Well, sa end ng ad... namana raw ng bata ang magandang asal syempre sa kanyang mga magulang.

***

Para naman akong 'nainggit' dun sa lalaki sa latest ad ng Frenzy condoms.

"Are we good?" sabi ng girl sa lalaki sa commercial...referring to 'you-know-what'

Aba, aminin man o hindi ng mga barako... wish din nila somehow na ganyan ang girl mo-- nagbo-volunteer minsan hehe.

But hei, nasa Philippines pa rin tayo...

Nanggagalaiti na nga sa galit ang mga moralista at gustong ipa-ban ang mga condom ads.

Anyway, back-to-condom ad... bigla lang akong natawa nang malaman kong naghihintay pala ang girl ng pag-volunteer [din] ng partner niya na maglabas ng 'protection' before they could have 'you-what-what.'

Well, ok lang yun pare.... unless, kung handa ka nang manindigan...so, di nyo na kailangan ng protection, right?

***

Sa ad ng Clear shampoo na may update sa katatapos na Black Valentine's, halatang mga tight shots ang ginamit sa mga crowd.

Isa ang ibig sabihin, hindi gaanong tinao ang event ng Clear.

No comments: