Wednesday, February 20, 2008

KIDS ON ZTE SCANDAL

Hindi ako kumporme sa pagsasa-ere ng balita, sa TV man o radyo, sa GMA Network man o ABS-CBN, na may kinalaman sa sentimyento kuno ng [mga] apo ni Comelec Chairman Benjamin Abalos sa kinasasangkutang ZTE scandal ng kanilang lolo.

Tingin ko ay menor de edad pa [ang mga] iyan at kailangan ba talaga ng publiko na makilala sila bilang mga 'naiipit' sa eskandalo sa pulitika?

HINDI.

Una kong nakita ang balitang ito sa ABS at anila 'exclusive' pa.

Balita ko nga rin ay sumunod din ang GMA pero tinakpan daw yung mukha.

Anu't anuman... hindi ko lubos maisip na dapat pang madamay ang mga bata sa isang eskandalo na hindi naman dapat...apo man sila ni Abalos o ni ZTE star witness Jun Lozada.

Hindi na talaga dapat ginagawa ang ganyang mga istorya.

Tapos, makikita ko ang headline something like "damay pati bata."

Naku naman, palagay nyo- sino ang naglagay sa mga bata sa sitwasyong gano'n? ang mga magulang o kamag-anak ba nila na nakakaladkad sa ZTE?

HINDI...

Ang media yun!

No comments: