Tuesday, January 29, 2008

UTANG ULIT

Mahirap umutang...at mahirap talaga kapag may po-problemahin kang utang.

Kaso, sa gaya ko na breadwinner, may magagawa ba ako lalo na kapag may biglaang pangangailangan.

Heto nagkautang na naman ako. Libu-libo para pambayad din ng naunang utang.




Alam ko, alam ko... mababaon na ako... kaya dasal ko, tama ang desisyon ko na itinuloy ang bagong inutang.

Dumaan talaga ako sa matinding pagde-desisyon... naglatag ng bagong budget plan sa kung paano mapapabilis ang pagbabayad-utang ko.

Hayy...

No comments: