Saturday, February 2, 2008

NA-DYARYO NA AKO

Hahaha

Nakakatuwa ang nabasa kong article ni Lolit Solis sa Pilipino Star Ngayon nitong Sabado. Pinababati ako kay Lolit ng masugid nyang reader na si Marie Grace Cajili. Mali nga lang ang surname ko sa writeup.

Thank you raw sa pag-alalay at pag-pasensya ko sa kanila. Ipagtitirik daw niya ako ng kandila at ipagdarasal ang pagtagal ko sa trabaho. [ehem, dear management...]

Anyway, ano nga ba ang masasabi ko... thank you kay Grace... sa pang-unawa niya. At saka, trabaho ko naman yung pag-alalay sa kanila. Nakakataba ng puso iyong ipabati pa ako sa dyaryo at sa isang kilalang manunulat.

Sana, green candle ang isindi nyo para sa akin. Pera daw kasi ibig sabihin nun. Mas maganda sana kung alam nyo yung kulay ng kandila para sa igaganda ng career ko. May ganun pa akong apela ano hehe.

Kay Ate Lolit, thank you rin po na espasyong binigay nyo kay Grace at sa akin. Naku, wag nyo akong harbatan, wala kayong mapapala sa akin e hehe.

No comments: