Monday, January 28, 2008

RENALDO LAPUZ: WE'RE BROTHERS FOREVER

May website na rin pala para kay Renaldo Lapuz [www.renaldolapuz.com], ang Pinoy [na naka-based na sa US] na umagaw ng eksena sa American Idol audition for its 7th season.

That certain audition was held in Dallas.

Ang sarili raw niyang komposisyon na siya nyang inawit at ini-aalay kay Simon Cowell, AI judge, ay mabilis na 'naibigan' ng lahat... ang 'We're Brothers Forever.'

Sa sobrang kasikatan ng kanta, may iba-iba na ring banyaga ang gumawa ng sariling bersyon nito.

=============================================


"WE'RE BROTHERS FOREVER"

I am your brother
Your best friend forever
Singing the songs
The music that you like
We're brothers til the end of time
Together forever til the end of time
I am your brother
Your best friend forever
Singing the songs
The music that you like
We're brothers til the end of time
Together or not, you're always in my heart
Your hurting feelings
Will reign no more


=============================================



Hindi man pinalad si Renaldo na makapasok sa AI, usap-usapan naman siya sa buong mundo na nakasaksi ng kanyang kakaibang pag-eksena... dahilan para unti-unti na siya ngayong sumikat.

Marami-rami na rin ang guestings niya at interview sa media, hindi lang sa US kundi sa ilan ding bansa.

Ayon sa renaldolapuz.com website, may iba't ibang imbitasyon na ring natatanggap para sa ating kababayan na dumalo ito sa mga pagtitipon at okasyon.

Alam ni Renaldo na inihahatulad na siya ngayon kay William Hung na noo'y agaw-eksena rin sa AI...at sa kalaunan ay sumikat din dahil sa kanyang pamosong stunt ng Ricky Martin hit She Bang.

Sabi pa nga ni Renaldo, yumaman naman si William.

Si Renaldo ay 45 years old na [December 18], single at permanent immigrant sa US.

Sa Pilipinas, naranasan niyang maging tricycle driver sa Sikatuna Village sa Quezon City, janitor sa Pasig at minsan ding napadpad sa Marikina.

2004 nang i-petisyon siya ng kanyang ina pa-Amerika.

Wala raw pinag-iba halos ang trabaho ni Renaldo sa US kumpara dito sa Pilipinas, maliban na nga lang siguro sa mas malaki ang kita niya roon.

Nagtrabaho rin siyang janitor doon... hanggang sa maging service crew ng isang grocery store.

Sa kabila nito, kumporme pa ring mag-Tagalog si Renaldo... miss na nga raw niya ang mga kaanak niya't mga kaibigan sa Pilipinas.

Sa isang panayam sa lokal na dyaryo dito sa Pilipinas, bati pa niya... "I love you po."

No comments: