Friday, January 25, 2008

Rubik's cube gains popularity anew

Bukod sa yoyo, nauuso na rin ang rubik's cube sa mga kababayan natin, bata man o matanda- yuppies o hindi.

Malaki talaga ang naitulong ng media sa pag-hype nito sa 'laruang' nabanggit.

Muling nabuhay ang popularidad ng rubik's cube sa Pilipinas sa ilang beses nang pagpi-feature sa istoryang ito sa Unang Hirit [GMA7].

We mean, nag-imbita pa sila ng mga bihasa sa laruan...like Mat Almeida na rubik's cube master around June 2007.

Nag-guest din sa UH ang ilang taga-PinoySpeedCubers at Philippine Cubers Association [siguro naman ay magkaiba ang mga ito].

Pinakahuling pag-feature ng UH sa rubik's ay weeks ago lang.






Sinasabing mahirap ang magawa mong pare-pareho ang mga kulay sa lahat ng sides ng rubik's... at kung papansinin, pawang magaling sa math ang madaling makakuha ng lahat ng color patterns ng 'amazing' cube na iyan.

Pero, try nyo pa rin daw, kahit di kayo kagalingan sa math...pampatalas pa rin daw iyan ng utak hehe.

May mga teknik na rin pala para mas mapadali ang pag-solve sa rubik's at meron na rin daw bersyon na kung saan mismong cube pa ang magsasabi sa iyo kung tama ba ang ginagawa mo sa kanya haha.

Naku, sana magawa ko ring ma-solve ang rubik's sometime.

Way back nung nasa elementary pa ako nang ma-curious at magka-interes sa cube pero nakakainis talaga sa hirap!

Kayo na nga muna!

No comments: