Thursday, January 24, 2008

Blogger as Journalist?

Hayan, nagbabasa ka na naman ng blog.

Para sa iyo, nakakaaliw, nakatutulong o minsan, nakaiinis ang mga blog. Madalas kasing mabasa mo rito ay opinion-based writeups ng blogger... maaaring kaugnay iyon sa personal na bagay sa kanya, sa mga isyung pambansa o anupaman.

Pero, naisip mo na rin ba minsan kung ituturing mo bang journalist ang isang gaya ko na blogger?

Mainit ang debate ukol dito.

2005, Apple filed a lawsuit against 19-year-old blogger Nick Ciarelli.

Nick has this web site Think Secret.

Apple discovered that TS leaked information about some of the company's new products even before they were introduced to public.

Anila, maituturing na 'secret trade stuff' ang mga pinost ni Nick sa TS... dahilan para mangamba ang kumpanya sa kanilang privacy.

Hiniling ng Apple kay Nick na pangalanan ang [mga] source nito pero tumanggi ang binatilyo.

Isinangkalan noon ng abugado ng blogger na may kaparehong 'legal protections' para kay Nick gaya sa isang journalist.

Para naman sa Apple, ang proteksyong ginagarantiya sa mga mamamahayag ay hindi applicable sa isang blogger.

Last year, nagkaroon ng amicable settlement sa pagitan ng Apple at ni Nick.

Hindi na umano napilit ilabas ang [mga] source ni Nick kaugnay ng mga na-preempt niyang bagong produkto ng Apple.

Gayunman, tumigil pansamantala ang operasyon ng TS [pero posible raw itong bumalik sa operasyon matapos ang Valentine's Day ngayong taon].

-------------------------------------------------------------------


Apple, Think Secret settle lawsuit

December 20, 2007 - PRESS RELEASE: Apple and Think Secret have settled their lawsuit, reaching an agreement that results in a positive solution for both sides. As part of the confidential settlement, no sources were revealed and Think Secret will no longer be published. Nick Ciarelli, Think Secret’s publisher, said “I’m pleased to have reached this amicable settlement, and will now be able to move forward with my college studies and broader journalistic pursuits.”


http://www.thinksecret.com/


-------------------------------------------------------------------


Nabanggit din ni Nick na kanya nang ipagpapatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo at maging ang pagpapalawig pa ng kaalaman sa pamamahayag-- lahat makaraan ang gusot nito sa Apple.

No comments: