Thursday, August 2, 2012

WIDENED MERALCO AVENUE

Meralco Avenue road widening (July 27, 2012)


Binuksan na pala kahapon ang Meralco Avenue na mas pinalapad, ito yung nagkokonekta sa Ortigas Avenue at Shaw Boulevard (Pasig-Kapitolyo).


Actually ang pinalapad na bahagi ng kalsadang ito ay mula sa kanto ng Pasig-Kapitolyo (Ynares Sports Arena) hanggang bago dumating sa DepEd Main Office.


Good news ito sa mga motorista at gaya kong commuters na madalas maipit sa heavy traffic palabas ng Shaw Blvd mula Ortigas Ave tuwing rush hour.

Ayon sa ilang web news, gumugol ng P19-M ang Ortigas & Co. para sa proyektong ito, katuwang ang Pasig City government.


Limang lanes na ang Meralco Ave, tatlo para sa mga northbound vehicle habang dalawa para sa southbound.

No comments: