Sunday, August 5, 2012

JUSTICE FOR ANDRE

Tuluyan nang nagpaalam ang mga kaanak, kaibigan at ka-eskwela kay Marc Andre Marcos.
Biglaan ang pagpanaw niya matapos masawi sa umano'y hazing ng Lex Leonum Fraternitas.
Mauuwi ba muli sa wala ang pagkamatay ng isa na namang hazing victim?


Nasaan na kaya ang ilang personalidad na itinuturong nagdala kay Andre sa kanyang maagang kamatayan? Nasaan ang mga ka-brad ni Andre, si Gian Veluz (?!) na iningusong 'handler' daw ng initiation rites, ayon na rin sa salaysay ng dalawang neophytes na nakasabayan din umano si Andre sa 'group activity.'

Gaya ng iba sa atin, pwede tayong manghinayang at "eh kasi naman..."  patungkol sa mismong mga biktima ng hazing. 'Ika nga, wala raw manloloko kung walang nagpapaloko... pero hindi na dapat tayo umabot sa litanyang "eh kasi mga mahina lang ang sumasali sa mga ganyang grupo."


Tumuon na tayo sa mga pinaka-importanteng isyu kaugnay ng hazing sa fraternity...


--Kung sinasabi ng San Beda College na may mga accredited silang fraternity, pananagutan pa rin nila ang pagkakaroon ng "iligal" na grupo sa campus nila. Partida, pangalawa na si Andre na biktima ng hazing at ang mga suspek ay nasa loob din ng San Beda... marapat lamang na mula sa unang kaso ng hazing victim sa eskwelahan ay mas naghigpit sila.


--Sa mga kinauukulan/otoridad, once and for all, kaya nyo bang habulin at pagpanagutin ang mga utak ng hazing... sadya nga bang mahina o mahirap ang ganitong mga kaso? 


--Urban legend nga lang ba ang kwento-kwento na nagpapadala tayo sa pressure ng mga ka-brad na may posisyon na rin sa gobyerno?


Parati na lang ganito.
Gasgas na istorya.
Bagong buhay na nawala.
Bagong imbestigasyon.
Ilan lang ang nakulong, duda ka pa kung 'fall guys' sila at tiyak, mahaba-habang abang ka sa hatol ng korte.


No comments: