Happy New Year!
What does 2012 have in store for us?
Family, good health, stable job, money.... ganito karaniwan ang ating mga hiling. Iyan ang mga long-term plan ding matatawag at pagsisikapang makuha.
Sa pag-usad ng bagong taon, dino-drawing din naman natin ang mga short-term plan gaya ng magandang bakasyon, paghanap ng mapaglilibangan... o pagbili ng inaasam na regalo para sa sarili o sa pamilya.
Two years ko nang sinisipat-sipat pero sana this year ako makakuha ng LED TV, sofa set, swing chair, at cellphones para sa aking mga kapatid. Gusto ko na ring makapagpagawa ng kuwarto "for-the-boys" at masimulan na ulit maghulog (magbayad) para sa aming bahay.
Hayyy...
Plano, plano, plano... pera, pera, pera.
Palibhasa tumatanda na ako at tila marami nang inaalala sa buhay... or should I say, mas napapadalas na ang pagmumuni-muni sa mga bagay-bagay na dapat i-settle o i-ayos.
Pati nga yata lovelife o social life, mas nagiging concern these days hahaha
Paano ba naman nitong New Year's Eve, nakita ko sa bahay ang aking mga kapatid with their own lovey dovey hehe. Dalawa sa kanila, ipinakilala na sa amin nang personal habang ang isa, nagtiyaga muna sa long-distance call.
Actually, anlaki ng tawa ko habang kumakanta sa videoke dahil nagulat ako nang pati ang pang-apat sa amin ay may naipakilalang babae. Yung bunso na lang namin (grade school-er) ang wala haha. Kumbaga, biglang sumundot sa isip ko na "aba, tumatanda na pala ako... at napag-iiwanan" Si Mama, napatawa na lang din nang aking sabihin ang nasasaloob.
Hayyy...
pero gaya ng panuntunan ko sa buhay-opisina, hindi ako dapat mangarag.
Alam kong pessimist ako pero ayokong iburo ang sarili sa lungkot dahil lang sa pag-iisip... kaya nga ako nagba-blog, umaasang maiiwan ko rito ang mga singhal at disgusto kung bakit sa mundong ito-- "Life is so unfair."
1 comment:
one step at a time. sabi nga nila, life goes on..mabayaran mo man yang mga utang na yan o hindi :)
Post a Comment