Thursday, January 12, 2012

CLOSE ENCOUNTERS OF THE BABY KIND!

I am glad to hear of Vlad's first baby.

Last weekend, his wifey Ana posted an ultrasound picture of their soon-to-be-born angel, on her Facebook page. Yup, parang na-super excite ako for them. Vlad is a colleague from my previous job (read: previous department/group/show).

Credit: Vlad & Ana Cruz-Romero

Coincidentally, I got some funny baby encounters these past days.

Habang nasa biyahe ako sakay ng jeep, katabi ko ang isang ale na karga ang kanyang 1-year-old baby girl. Ilang sandali ay tila nagsusungit na ang sanggol kaya naman, binigyan na siya ng milk bottle ng kanyang nanay. Matapos nito'y nangungusap na ang mga mata ng baby habang malayo ang tingin sa labas ng estribo ng jeep. Maya-maya, nilaro-laro na ng sanggol ang kanyang kanang paa. Sumasagi-sagi iyon sa aking kaliwang alak-alakan... hindi ako nakapagpigil-- palihim kong nilapirot ang maliliit na daliri sa paa ng baby haha.

Patay-malisya pa ang sanggol pero patuloy siya sa pakikipaglaro sa akin.

Isang araw naman sa Starbucks ako kasama ang officemate din na si Ralph, tila hindi alam ng isang ale ang gagawin sa bagong-silang na baby na ibinilin muna sa kanya ng ina nito para makapag-restroom. Mukhang naiinitan kasi ang sanggol habang nakahiga sa table na bahagyang naaarawan.

Hindi ako muli nakapagpigil.... kinarga ko na ang baby kahit na medyo kabado.


Hindi pa naman ako nakaka-tatlumpung segundo sa paghele sa baby ay humahangos nang dumating ang ina niya.

Bulong ni Ralph sa akin, "...dahil diyan, Ninong ka!"  sabay tawa kami habang paalis na sa coffee shop.

Sabihin man ng iba na hindi ko pa alam kung ano ang pakiramdam ng may sariling anak o nag-aalaga ka ng sarili mong laman... but I'm confident to say that I could do such responsibilities taking care of babies.

Katulong ako ng aking mga magulang sa pag-aalaga sa dalawa naming bunso noon, mula sa pagpapakain, pagpapatulog, pagpapaligo sa isang batya ng maligamgam na tubig at pagpupuyat dahil sa paulit-ulit na pagpapalit ng lampin dahil sa poo-poo at wee-wee.

Hmmmm.... nakakatuwa, kailangan ba talaga na pinagdaraanan ko na ang ganitong sitwasyon na parang gusto ko nang magkaroon ng sariling pamilya hahaha. Hindi ako naman atat ah.

Siguro naman, wala lang ito... may gusto lang tumapik sa aking balikat at tinatangkang bigyan ako ng inspirasyon o pampagaan ng loob.


2 comments:

Anonymous said...

cute post! :D mukang mahilig ka sa babies ah hihi
-ana

toplatsi said...

tnx... natutuwa lang talaga ako siguro hehe. Congrats ulit!