Naisip ko dati na ang planking ay kagaguhan (stupidity).
Sa huli, I joined the bandwagon.
Kapag bumibili ako ng aking favorite na Coffee Jelly Frappe ng Starbucks, lagi akong nakakaramdam ng kiliti at pinaplano na kung paano sisimutin ang mga matitirang jelly. Nagbabalik-tanaw tuloy ang panahon ng aking pagka-grade school... yung walang kahiya-hiya na kinakamay ang mga sago't gulaman mula sa plastic cup!
At malamang, nabasa nyo ang Naiyak sa Lasagna na aking blog entry last month kung bakit ako figuratively ay naiyak nga sa pagkain ng naturang pasta.
Mga simpleng bagay na naku-kwento ko ay malamang may bersyon ka rin naman... kikiliti rin sa amin, magpapakamot sa aming ulo, o magpapahagalpak sa amin sa kakatawa.
Isang ka-eskwela ko sa high school ang nagregalo sa akin ng postcard bilang 'goodbye' sa aming magkaka-section habang palapit ang bakasyon...
ang nakalagay doon na mensahe sa akin - "Stay simple"... wag daw akong padadala sa agos ng buhay agad agad.
Noong una, hindi ko masyado ito naaarok, simple lang din kumbaga ang pagkaunawa ko... pero ngayon, naisip ko na ipinaaalala nito sa akin ang pagpapahalaga sa mga bagay na mayroon ka at naipagkakasya.
Marami sa atin ang nakapagbibitaw ng salitang 'istupido' sa anumang bagay na hindi natin lubos pang naiintindihan... pero, naisip ba natin minsan na subukan iyon muna o aralin ang pinagmumulan nu'n?
Nasa panahon kasi tayo ngayon ng kumplikadong mundo kung saan maraming simplisidad ang naglalaho at natuturing na lamang iyon na kakaiba, kakat'wa, o nakakadiri, sa sandaling muli itong umibabaw at maibalik sa sirkulasyon.
Oo, mahirap ang kumontra sa social norms sa iyong iniikutan. Kelan tayo huling tumalikod?
Minsan kasi, galing sa mga simpleng bagay ang pinakamagagandang aral sa mundo.
1 comment:
Galing ng blog mo ah! :) keep posting. :D
Post a Comment