Yup, am one of those hundreds of guys out there who dream to have a sculpted body especially my abs... mmm, not necessary a six-packed kasi naman gifted na ako hahaha (palibhasa payat).
Actually, number 1 frustration ko ang maging ramp model, kaya fan ako ng abdominal exercises at pagpapaganda ng katawan (kahit parang di umuubra haha).
Natuwa ako sa episode ng Kapuso Mo Jessica Soho dahil sa pagtatampok ng 'abs craze'... pati pala girls, gustong magkaroon nun.
Instant abs episode (Kapuso Mo, Jessica Soho- GMA 7)
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
May nakilala naman ang KMJS na grupo ng lalaki na ang qualification para maging member nila ay may 6-packed abs ka! Sama-sama sila sa pagdyi-gym almost everyday and willing to spend up to Php32,000 for their diet (fruits lang! no rice) and lots of vitamins and supplements.
Gym nga ang unang maiisip para makamit ang chiseled body lalo na ang abs.
Sa aking karanasan, most effective ang sit-ups at crunches. You can do it to your home naman, ako nga ay tinutungkod ko pa ang aking mga paa sa siwang sa baba ng aparador o istante para magawa ko mag-isa ang sit-ups.
Sit-ups (nismat.org) |
End of Bench Crunch (impersonaltrainers.wordpress.com) |
Pero kung desperado ka na talaga sa abs... puwede mong i-consider to undergo surgery-- ang abs etching (abdominoplatsy). Liposuction ito na magbibigay sayo ng inaasam na abs na ayon sa KMJS noong 2009 ay nagkakahalaga ng mahigit Php200,000.
Abs, anyone? Anuman ang opsyon na pipiliin mo para matamasa iyan, basta ba- kumunsulta muna sa lisensyadong doktor at dietitian para maging ligtas at maayos ang pagpapaganda mo ng iyong katawan.
No comments:
Post a Comment