Yes, walang katiyakan kasi wala naman akong pambili. Simot na agad ang sweldo at bonus na natanggap. Mahaba-haba pa naman ang agwat patungo sa petsa ng panibagong pagpapasahod HEHE
I treat myself ng Yule Flip Peppermint Chip Blizzard ng Dairy Queen... wala lang na-try lang.
Pero, sulit!

Gusto ko rin kasi ang minty sensation. Tapos may choco chunkies pa at candies-- Panalo!
After nun, nagawi naman ako sa mga furniture, gusto ko kasing bumili ng bagong sofa.
I am looking for replacement sa malaki namang couch na di na kagandahang tignan sa aming maliit na living room.
At nakakita naman ako, 3-seater siya. Ok na yun at least Php7,000 lang at tama lang sa space alloted. Bibili na lang ako ng beanbag.

Andaming balak... andaming pangarap...andami ba ng pera?
Ni mamahaling kape nga, di ko na mabili.
Buti na nga lang at hindi ko na gaanong nami-miss ang pagpunta sa coffee shop. Instead, sa vendo na lang ako-- mura pa... nth time!

Basta ba, magaling ka lang tyumempo ng mapagkakatiwalaang vendo para mabigyan ka ng kapeng 'di-lasang sapatos.
No comments:
Post a Comment