Tuesday, December 23, 2008

CORY, NAG-SORRY.. ERAP, HAPPY... EDSA 2, SELF-PITY!?!

Marami ang nagulat sa paghingi ng 'sorry' ni dating Pangulong Cory Aquino sa naging papel niya sa Edsa People Power 2.

Ginawa niya ito sa harap pa mandin mismo ng pinatalsik na pangulo ng nasabing pagkilos-- si dating Pangulong Joseph Estrada.


'Guilty' daw si Cory sa naging 'pagkakamali' niya.

Ako, noong una pa man, gaya ni Cory, I regret-- pinagsisihan ko rin ang naging partisipasyon sa Edsa 2 [big deal?!? hehe]

Sabi ko nga, naasar ako nang makita ko ang reaksyon ng mga nasa Edsa 2 sa 'inasal' daw ng mga nasa Edsa 3. Walang breeding daw, mga halang ang bituka, demonyo, mga bayaran.

Sabi pa nga noon ng namatay nang si Cardinal Sin, 'Panginoon, salamat, nabawi na namin ang edsa'... 'patawarin nyo sila, hindi po nila alam ang kanilang ginagawa.'

Hirit din noon ng naka-upo nang si Gloria, 'dapat hulihin ang mga tumutulong [nagpo-pondo sa pagkain] sa nasa Edsa 2.'

Ang media, gamit ang magaling na pagbuo ng mga pangungusap... nabibigyang-katwiran nila ang pagpapatanggal sa pangulo, gawing 'marumi' ang imahe ng Edsa 3 at maganda naman sa Edsa 2.

Naging duwag din sila sa pagko-cover ng Edsa 3 kesyo raw mainit na ang sitwasyon.. may anarkiya na raw at sila'y itinataboy.

Eh, kamusta ang helicopter ng isang TV station?
eh, ang 'matapang' na 'motto' ng isa pa?

Nasaktan ako kasi, kahit sinasabing pang-middle class at 'very festive' at sosyalin ang Edsa 2... di ko naisip yung ganyang bagay samantalang marami naman talaga sa mga nasa Edsa 2 ay HAKOT, BAYARAN sa ngalan man ng PERA, GRADES at MASULAT DAW SA KASAYSAYAN!

Naging maliit ang tingin at nilait-lait pa ng mga sundalo noon [na syempre ay kampi na kay Gloria] ang mga noo'y nasa Edsa 3... at pinagsisigawang 'bayaran.'

Naasar ako sa mga komentaryo sa media sa itsura raw ng pagkilos ng mga 'mahihirap'... BINASTOS DAW NG MGA ITO ANG EDSA.

Hayyy...ano ang masasabi ko kay Cory?

I pity on her... at maski sa sino pang poncio pilato na magsisisi rin sa ginawa nila kay Erap.

Naiintindihan ko kung si Marcos ay di pa rin niya mapatawad... hindi naman kasi suspek si Erap sa pagpatay kay Sen. Ninoy.

At saka, na-convict nang 'mandarambong' o 'plunderer' si Erap... na-pardon na rin siya. Does this make any sense at all? Kay Ginoong Estrada, oo.

Sa bayan?! hindi rin... kumirot lang muli ang sugat bunga ng pagkakahati ng Pilipinas noong panahon ng Edsa 2 at Edsa 3.

At wala ring epekto ito sa mga NANININDIGAN pa rin para sa Edsa 2... hello, mostly, mula sa middle-class at class A & B ang mga nandyan... mas matalino pa raw kay Erap, asa kayo na kakainin nila ang pride o ego?

At may silbi rin ba ang pagso-sorry ni Cory sa mga naging bahagi ng Edsa 3?

Bukod sa personal nilang pagka-aliw ulit kay Erap, wala na siguro.

Mismong ang Arroyo administration na rin ang nagsabi, NAGSAWA NA ANG MGA PILIPINO SA EDSA...nagsawa na tayo sa kaka-reklamo... gaya ko na galing sa hirap, naka-saksi ako kung gaano kababa ang tingin sa mga mahihirap... walang boses, hindi kinikilala sa lipunan maliban na lang kung panahon ng eleksyon at pampalakas ng kita sa negosyo.

Mainam pang magtrabaho na lang. Wag nang kumibo... wag nang umimik...

No comments: