Wednesday, November 12, 2008

AYOKO SA TRAYDOR

Lubha na yata akong naaapektuhan ng mga kaganapan sa Survivor Philippines... partikular ang 'grand conspiracy' against Kiko.

Hindi naman dahil sa siya ang pambato ko kundi dahil ang simpatiya ko ay sa buong Naak tribe. Nagustuhan ko ang loyalty at pagkakaisa na nakagisnan kong masilayan sa bawat episode ng SP kapag Naak tribe ang napag-uusapan.

Gago talaga si Marlon. At kahit ikatwiran nya na iba siya sa personal at malayo iyon sa nakikita ko sa telebisyon, di ako kakagat.

Una kasi, wala namang script sa araw-araw nilang pamamalagi sa isla. Umaarte sila base sa gusto nilang ipakita sa public pero nagre-reflect pa rin doon ang kanilang personalidad dahil naglalaro sila doon para makaligtas sa contest.

Hindi ka naglalaro for us-- the viewers-- to please us-- but naglalaro ka dyan dahil gusto mo manalo at all cause di ba?

Am not agree din kay Marlon sa pagsasabing 'matindi ang pulitika' sa Naak.

Wala, Marlon... wala pa... until you came in.

Napakaaga nga ng pagpasok ng pulitika sa Naak dahil ang ini-expect namin na darating yun kapag napalayas na nila ang lahat ng Jarakay.

Besides, inihanda na nilang mga Naak na sila't sila ang magkaka-trayduran din sa huli...but without you in that picture-- Marlon, even Cha and Vern.

No comments: