Tuesday, October 21, 2008

FAB TV ADs FOR THE WEEK

#3 EYEBERRY TVC


May bago na namang 'supplement' na inilabas, ito yung 'EyeBerry' na para raw sa pagmi-maintain ng good eyesight.

How this ad caught my attention?

Nagpakita sila ng mga sintomas ng posibleng pagkakaroon ng poor eyesight na karaniwa'y di alam ng marami sa atin gaya ng madali kang masilaw sa liwanag.

#2 AY BINGI -LUCKY ME PANCIT CANTON TVC


Nakakatuwa si lolo... sa hinaba ng pagbibida nila Nanay sa pancit canton, hindi sila naintindihan nito. Pero mistulang pambawi ni lo nang kusa itong magsalita na masarap ang hinain sa kanya... bagay na di agad naman narinig ni Nay.

'Ay bingi.'

#1 MYGMA WEBSITE -MYGMA.COM.PH TVC


Kahit hindi ka loyal viewer ng GMA-7, pwede kang magkaroon ng LSS... last song syndrome kapag narinig mo ang jingle ng ni-launch ng kumpanya na mygma.com.ph, isang internet-TV website.

May element ng 'soul' ang lapat ng music, madrama at para kang hinihele...

As the song goes... "saan ka man sa mundo, buo ang araw mo. my gma-eyy-eyy-eyyyy"

No comments: