Wednesday, October 1, 2008

FAB 5 TV ADs of the WEEK

Narito ang kauna-unahan nating weekly countdown ng mga bigatin at uso ngayong TV ads.. sa aking abang opinyon hehe

#5 What is the No.1 anti-dandruff shampoo? / Head&Shoulders


Kakaibang atake o mas tamang sabihing ginamitan ng 'reverse psychology' ang latest TV ad ng Head & Shoulders anti-Dandruff Shampoo. Ilang model ang tinanong kung ano ang no.2 anti-dandruff shampoo in the world. Wala sa kanila ang nakasagot. Kesyo di raw nila alam at yung iba, natawa.

Pero nang itanong kung ano ang no.1--- mabilis ang kanilang sagot.
Most of the 'poll respondents' were foreigners except Angel Locsin na biglang sumulpot sa gawing dulo ng ad na sumagot din sa tanong na kung ano nga ang no.1 anti-dandruff shampoo.


#4 Mr. Sun/ Del Fabric laundry softener


Tila nanood ka ng sosyaling children's musicale play. Umpisa ng palabas, inaawit ng isang batang babae na naka-costume na sunflower ang litanyang 'O, Mr.Sun. O, Mr.Sun' with her mom na busy sa pagbabanlaw ng nilabhang damit.

Yep, si Mr.Sun ay si tatay na naka-costume na araw.
Sa pagpapatuloy ng kanta, makikita na ang 2 other little girls na naka-costume na bees singing "Ang bango-bango... ang bango ng Del"


#3 Pinoy Bulalo on Weekend/ Lucky Me noodles


It's not only appreciating the authentic pinoy bulalo but the TV ad shows how a man appreciates 'luto' ni misis and the way na ibinibida nya ito sa ka-opisina/ kaibigan. Simpleng values pero swabe sa panahon ngayon na lagi na lamang ang image naming mga guys sa girls ay manhid daw at hindi grateful sa kanila.

#2 Papa catsup


Upbeat music, that's how the said TVC ay klik these days sa mga bata-- napapa-indak pa nga sila at tiyak daw sa oras na pinapalabas ito, sila ay "mapapa-Uhmmm... mapapa-Ahh... mapapa-Wow."

Effective din ang mga visuals to make it more pleasing sa mga kids na obviously ang target market ng produkto.

#1 Bear Brand series of TVCs


Bago pa man ang milk-melamine scare, kapuna-puna na ang aggressive drive ng Bear Brand right after they celebrated their anniversary dito sa bansa.

Various TVCs were launched including ang mga testimonials from Gov. Vilma Santos, comedianne Eugene Domingo and among other personalities.

Ginamit din ng Bear Brand ang konsepto na pagsusulong sa pag-inom ng gatas mula bata at maski matanda na. Thus, tagline 'Laking Gatas kami' becomes popular.

Nag-introduce din ang company ng mga bago nitong produkto i.e. powdered chocolate drink, oat-cereal drink at probiotic yogurt drink.

Punahin ko lang ang testimonial ni Vice Mayor Isko Moreno. Sabi nya kasi, laking-gatas din daw sya kahit mula sya sa hirap.

Well, duda lang ako kasi naka-encounter na ako ng mga mahihirap na family, as in nasa below poverty line, pero sila'y laking-gatas sa Ina [breastfeeding] not in powdered form. Mahal kaya ng gatas!

No comments: