Monday, September 29, 2008

MELAMINE SCARE A DAY

Imagine this...
you wake up every morning, agahan ay tinapay na may halong skimmed milk galing China. Pinalamanan mo ng cheese na imported from China din, tinernuhan pa ng Yili Milk!

Nagtanghalian ka, kapos sa budget-- kaya naman, binili mo ay sotanghon galing Divisoria na galing din ng China... iyon ba ang ihahanda mo bilang pam-partner sa kanin?

Gala with friends-- one late afternoon, snacks ay hanap nyong baon while walking sa mall.

Pero ayaw mo sa locally-made chocolates, kaya grab kayo ng imported ones na yun pala, made in China rin.

May pang-umay ka pa na candy na nabili mo sa supermarket dahil imported din at mura-- yun pala, proudly-China made!

Lahat ng mga yan, pinagbibintangan ngayong may melamine, a chemical used in producing plastics.

Sa itinakbo pala ng bawat araw, malalaman mo palang you're getting a pinch of toxic chemical!


In serious note, marami na palang bagay sa mundo ang nakadepende sa China.

Palagay nyo ba, hindi kaya tayo 'iniisa' na ng communist country?

Nakakatuwang tanong ano po... wag sanang sagutin ng OO.

After ng SARS outbreak at scare sa high-lead content sa ilang damit at baby cribs, ano pa kaya ang susunod na gigimbal sa maraming bansa na may maganda namang transaksyon at relasyon sa China?

Higante na ring bansa ang China pero gaano nga ba de-kalibre ang kanilang safety standards sa mga produktong iniluluwas sa iba't ibang kaibigang bansa?

Sana nga, Chinese officials are honest enough to tell the whole story... and also para paniwalaan pa natin na hindi na ito mauulit.

No comments: