Friday, March 28, 2008

NO MORE RICE...FOR MY MEAL?!?

Isa sa mga pinakalumang simbahan sa Cebu ang Oslob Parish Church.
 
 
Kaya naman, marami ang nanghihinayang at nalulungkot nang maabo ito sa sunog kamakailan.
 
 
Kasunod nito, umapela si Archbishop Cardinal Vidal para sa tulung-tulong na pagpapatayo muli ng nabanggit na simbahan.
 
 
Mmm… tila nakakita ng magandang oportunidad ang mga pulitiko, palagay nyo?
 
 
Huwag naman!
 
 
 
 
1990s nga nang maranasan ko ang pagpila sa mga tindahan ng bigas o kaya ay sa NFA retail stores para lang bumili ng pa-isa-isang kilo ng bigas.
 
 
Naaalala ko siya ngayon dahil sa problema ng bansa sa rice supply.
 
 
Nakalilito kung nagsasabi ba ng totoo ang gobyerno na wala pa dapat ikabahala sa ating suplay… gayung kinokontra ito ng ilan.
 
 
Magkaganunman, ayon sa ilang eksperto, ang problema natin sa bigas ay siyang pagkakatutukan nating mga Pinoy sa kabuuan ng 2008.
 
 
 
 
 
 
Staple food maituturing ang rice sa mga Pinoy… pero nag-iisip na ako kung kaya ko itong baliin sa sarili kong eating habit.
 
 
Maghahanap ako ng mga recipe sa kamote o sa patatas na siyang sinasabing alternative sa rice.
 
 
Bread, of course, pwede rin.
 
 
Pero titingnan ko rin syempre kung praktikal naman ba ito sa bulsa


 
 

Send instant messages to your online friends http://uk.messenger.yahoo.com

No comments: