Friday, December 28, 2007

Peel A Million!

Feel pala talaga ang presensya sa aming opisina ang promo ng 711.

Ang siste, mag-collect at i-match mo ang limang cards na iba-ibang aces pero iisa ang naka-allot dun na premyo.

Sabagay, paano ba namang di ramdam sa aming workplace ang naturang promo... eh, ilang tumbling lang ang gagawin mo papunta sa 711 branch.

May insidente na rin dito na ilan kong kasama ang napa-praning na kung kaninong kamay makukuha ang nag-iisang kulang nilang card!

Pati nga sa ilang discussion forums sa internet, nagiging daan na para sa mga panawagan ng iba't ibang kulang na cards.

Nakakatuwa ano po?





Hayyy...
wish ko sana, ganahan ako mag-collect ng cards na yan...

Mmmm...pakinabangan ko na lang yung discount offer ng 711 din na naka-attached naman sa same card na pa-promo nila, di ba?

Ano pa nga ba ang hinihintay ko?

JOIN NA!!!

No comments: