Friday, December 28, 2007

Hot Mood dahil sa Hot Sauce!



Kaugnay pa rin ng UH Xmas party, tawa kami nang tawa kapag naaalala ang pang-iisnab ko raw sa nakuha kong premyo sa raffle.

Ang aking panalo-- Hot sauce, isang box!

Eh, lasing na ako nun... hindi ko matanggap ang nangyari [naks!].

Paano ba naman kasi, bago pa man tawagin ang pangalan ko ay malaki na ang prizes na ipinamimigay gaya kay Richard na nag-uwi ng mamahaling wallet with P500 pocket money hehe.

Kumbaga, natapos na ang batch ng mga winner ng Oishi snacks at WL Muncher at cornbits. Paakyat na dapat sa expensive prizes... hayy..

Unang beses na tinawag ang pangalan ko para sa hot sauce... akyat ako sa stage at sabay lapit sa mic ni Tay Ed.

"Donate!" sigaw ko.

Sosyal ko raw... magdo-donate ng hot sauce hehe

Pinilit naman ng iba na kunin ko ang premyo... lugi raw sila kasi sa kanila posible mapasa iyon.

Ganun?!? Sana 'ka ko naisip nila yun sa kapakanan din namin lolz

Hindi ba halatang masama ang loob ko haha

Tinawag ulit ang pangalan ko para ipilit nga ang hot sauce.

Nilabas na nga nila with escorts pa!

Buti na lang, lasing ako... ni hawak at yuko para makitang maigi ang premyo ay hindi ko ginawa!

Kung dadalhin ko yung sauce na iyon... problema ko pa ang biyahe pauwi ng bahay, lasing pa ako... isang box pa.

Inisip ko ring ibahagi sa madadaanan kong pulubi sa daan sa gabing iyon... pero teka, aanhin nila iyon-- hindi sila mabubusog!

Huli na ang lahat para sa iba na hingin sa akin ang box na iyon... dapat ginawa na nila iyon nang malaman nilang dino-donate ko na ang premyo ko.


Nagpapakatotoo lang ako, i mean no offense.

Hindi sa pagyayabang po yun... wala naman akong ipagyayabang e... isa lang ang show ko.

Sana next time maayos na ulit ang raffle hehe... pero kung hot sauce ulit ang mapanalunan ko, ido-donate ko pa rin yan... simple lang... di ko mapapakinabangan yan. Prone kami sa almoranas bwahahaha.

Tatanggapin ko pa kung Oishi yan o cornbits... para lantakin namin sa inuman hehe.

Don't worry.... naka-move on na ako bwahahaha

No comments: