Wednesday, December 12, 2007

Kilig Bones

May nabisita akong blog kanina.

Isang entry dun ng author ay may 'link' sa aking past [naks!].
He [the blogger, author] narrates how he became a 'stalker' of a certain girl, his batchmate in college days and in past months- a colleague too.

I dunno kung bakit niya ginawa iyon... he took pictures of that girl... but he claimed, it's because last days na ng girl that time.

So, mami-miss nya raw ang babae that much.

Mmmm...

Paano na-link yung blog sa akin?!?
May ganun din akong kaso... pero hindi ako nag-ala stalker.

Naalala ko, dalawa silang girl na magkasabay na na-recruit sa work kung saan ako nabibilang na rin.

Instantly, the first day I saw her, nabighani na ako sa kanyang ngiti hehe.

Well, alam naman ng lahat na I really loved those persons na may magandang smile. I mean, anyone... madali akong mahawa at mangiti kapag nakaharap ng taong pala-ngiti.

Moreover tungkol sa girl 'ko'... mabait sya... simple.

Natatawa na lang ako kapag naalala ko rin ang patutsada ng isa rin naming ka-trabaho na ginagawa kong chatroom daw yung avstar messaging bar hehe.

Kadalasan kasi nangungulit ako sa kanya through there pati na rin sa isa naming kasama para 'di halata haha.

Paano ko siya agad 'iniwasan'?

Mmmm.... kasi nalaman ko agad na nasa relationship na siya. Ah, sad :(




Anyway, wala na siya sa place namin.

But minsan talaga ano....good memories last... babalik-balikan ka tiyak sa 'di sinasadyang oras.

No comments: