"Ingatan kahit ang simpleng sakit ng ulo."
Hindi ko naiwasang balikan ng tingin ang "friendly advice" na ito ng poster AD ng Biogesic, isang araw sa pagdaan ko sa Araneta Center, Quezon City.
Ewan ko kung outdated na ba ang naging aralin ko noon sa Filipino subject... pero kapag sinabing "ingatan ang sakit ng ulo" ...ibig sabihin, alagaan ko iyon. Kapag inaalagaan, hindi iyan mawawala.
Sabagay, masyadong mahaba kapag ginawa nating... "ingatang huwag lumala ang kahit na simpleng sakit ng ulo."
Pero mali pa rin kasi na gamitin ang salitang "ingatan" na kontra sa thought o sa mensaheng nais iparating ng mismong pangungusap.
O sadya kasing sanay na ang mga Pinoy sa short cut?! Lahat na lang pinaiiksi natin at tinatanggap na rin sa huli bilang bagong dagdag sa baul ng ating mayamang wika?!?
Papasa kaya sa mga brain stormer ng Biogesic poster AD ang linya kong ito...
"Sakit ng ulo, 'wag hayaang lumala.... Mula sa Biogesic, Ingat!"
3 comments:
mas maganda version mo dude
salamat :)
Tama-tama! XD
Post a Comment