Sunday, June 14, 2009

ANTIPOLO CITY

Nitong Mayo, nasorpresa ako sa pagkakaroon ng "bagong pista" sa Antipolo City ng Rizal-- ang Tipolo Festival.

Ang tanong ko tuloy, ito ba yung dating SuMaKaH Festival (former Mayor Gatlabayan term) at ang May Festival (late former Mayor Sumulong)?

Palibhasa kasi, iba na ang alkalde?!? Ibahin na rin natin ang pangalan?!?

Para namang kalaki-lakihang kontribusyong maituturing mula sa mga local gov't official ang pag-oorganisa ng kapistahan... at kelangang ang pangalan ay ibahin kada may iba nang nasa pwesto?
Wow, parang school building sa isang public school ah?

Well, kesa sa mga magarbong pista nyo iubos ang pera namin, eh sa ilaan nyo na lang sa pagpapaganda ng mga public school at hospital, kalsada, sementeryo, at higit sa lahat-- ng buong nasasakupan.

Napag-uusapan din lang ang Antipolo City (at isama na natin ang Taytay, Binangonan, at Angono)... kamusta na ang hitsura ng lungsod? Kung hindi binabaha ay bumubuka o gumuguho na ang lupa dahil sa walang kasawaang pagtatayo ng subdivision sa bundok!

Wala bang kasawa-sawa ang local officials sa pag-iisyu ng permit sa mga land developer?!? Marami-rami na kaya sila dyan?

Bigyan nyo naman ng espasyo ang kalikasan... mga puno...hindi Palmera tree ha... as in totoong punong-kahoy!

No comments: