Wednesday, August 6, 2008

NAME OF THE GAME

Have you seen the pics of the Brangelina twins-- Vivienne Marcheline and Knox Leon?

Very unique ng names, ano po?

Kayo? Kung magkaka-pamilya kayo, may names na ba kayong naiisip for your baby boy o baby girl?

O siguro, kung afford nyo lang ang magpapalit ng pangalan-- ano ang ipapalit nyo?

Ano ba ang trend ngayon in naming babies?

Hmmm...




Yung mga nabibilang sa "class DEF" [di ko rin alam kung paano malalaman kung kasama ako dyan]-- mahilig sila sa double names at mas maganda sa pandinig.

Minsan, mas lumalabas din ang creativity nila sa pagbuo ng name sa baby.

Of all these, kabaligtaran sa mga nasa "class ABC" [obviously, di ako kasama sa class A at B pero sa C... itatanong ko pa sa expert].

Bihira [gaya nga nina Brad Pitt at Angelina Jolie] sa kanilang hanay ang maging masipag, matiyag at creative sa pagne-name ng baby.

Pero, mayroon din ang nahihilig sa double names at pansin ko-- di basta double names... kundi dapat parang taong may-ari ng hacienda ang tunog ng pangalan nila.

Mmmm... pang Mexican o Kastila...

tipo bang maski napaka-ordinaryo raw ng name ay pag nakita mo naman ang baby ay gwapong-gwapo/ magandang-maganda siya.

Para sa akin, mainam talaga sana, wag nating pahirapan ang bata sa pangalang isusulat nya sa papel.

Baka nakatapos na ang mga kaklase nya sa short quiz...ikaw, tinatapos mo pang buuin ang full name mo hehe.

Sa mga magpapapalit naman ng pangalan, good luck... sana, well-justified nyo kung bakit kayo papasok sa ganyang desisyon.

Of course, exempted na dyan yung mga ika nga nila ay may 'degrading' name-- actually, surname i.e. Bagonggahasa.

Nauunawaan ko kayo.

Pero sana rin, yung iba dyan... lalo na kayo kids...[patulan daw bata hehe]-- di dapat pagtawanan ang ganung bagay ha.

Ang ganda-ganda nga ng pangalan mo-- napaka-pangit naman ng ugali mo...wa epek din!

Kalilimutan nilang pilit ang iyong pangalan.

No comments: