Sunday, August 31, 2008

LIPGLOSS

Should I say, 80% ay kopya sa Gossip Girl ng US ang bagong youth-oriented show na nag-e-air ngayon sa TV-5?

Wala naman akong ibang ibig sabihin doon.

Nataon lang na wala akong raket and instead na gumala ay pahinga sa bahay ang aking inatupag. Sa kakalipat ko ng channel, hayun at napako ako sa TV5.

Pinanood kong mabuti ang Lipgloss na nahinuha ko nga agad na parang kopya sa GG na halos napanood ko nang buo thru web.

Hindi nga ako nagkamali.

Ang nakakuha ng aking attention ay si Maxine Eigenmann, ang bida-kontrabida at counterpart ng karakter ni Leighton Meester sa GG.

Halos malaki ang pagkakahawig ni Maxine kay Leighton.



Impressive din ang kanyang acting... at maging si Saab Magalona who's playing the character naman ng counterpart nya sa GG na si Blake Lively.

May element din syempre ang Lipgloss ng anila'y mysterious blogger na may updated lagi sa mga nangyayari sa itinuturing na elite group sa kanilang eskwelahan.

Kinopya rin ng LG ang 'dress code' ng mga bida kapag nasa school.

Anyway, acting-wise ng mga actors-- aprub naman.

May mga ilang shots lang na alam mong mukhang kinapos sa budget ang mga producers-- parang 1-cam lang ang gamit nila. At, nahuhuli sa phasing o anuman ang tawag nila dun. Well, wala rin naman akong expertise sa ganyang elements at para makapag-comment pa nang mahaba.

Lipgloss may be successful enough to attract young viewers even like me na nakapanood ng Gossip Girl-- well, siguro, it's because, gusto kong pagkumparahin ang dalawang nabanggit na palabas.

Unfair ako, ano po?

No comments: