Thursday, August 28, 2008

BAKIT MABABA ANG TINGIN SA MGA 'DI NAKAKUHA NG 4-YEAR COURSE SA KOLEHIYO?

Nananawagan umano ang ilang mga guro at educators sa mga magulang at maging sa mga estudyante na magtulungan para itaas ang pagtingin sa mga technical-vocational courses sa bansa.

Hindi raw porke 2 taong-kurso lang ang iyong tinapos ay mababa na ang sweldo.

Sa ngayon, halos lahat ng mga Pilipino, mataas ang pagtingin sa mga degree holder [4-year course].

Maganda sa pandinig ang panawagan ng mga educator pero mas maganda yatang i-address nila iyan sa mga kumpanya/ employer dito sa bansa.

Hindi ba't dehado ang isang empleyado pagdating sa kompensasyon at promotion sa trabaho kapag di siya nakapagtapos ng 4-year course?

No comments: