Thursday, August 28, 2008

AKO SIGURO

Dalawang beses na akong naka-engkwentro ng taong na-offend sa tanong kong "Kayo po ba 'yung ___ sa amin?" tipong ganung litanya.

Agad naman nilang naipakita ang kanilang 'tampo' sa akin. Yun na lang siguro ang ipinagpapasalamat ko... nalaman ko agad na may nagawa pala akong 'mali.'

Aminado ako, nasaktan din ako sa ipinakita nilang reaksyon.

Wala naman akong masamang intensyon o ibig-pakahulugang iba.

Nais ko lang naman makasiguro kaya nagdo-double check ako.

May mas tama bang mga salita na dapat kong gamitin?

Inaamin ko, iniisip ko na lubhang mataas nga lang siguro ang kanilang pride... nasaktan sila sa tanong ko.

Sa puntong ito, nais kong humingi ng paumanhin sa kanila...
pero gaya ng nauna kong nasabi rito-- wala akong ibang ibig-pakahulugan sa na-litanya ko sa kanila.

No comments: