Tuesday, July 8, 2008

LALANGOY AKO PATUNGONG SCHOOL




Napanood ko ang I-Witness episode last night... ang 'Batang Langoy' ni Jay Taruc.

Dokyu ito tungkol sa mga batang nakatira sa isang isla sa Iloilo.

Sa kagustuhang mag-aral, sa araw-araw na pagpunta sa eskwelahan... sakay ng bangka, ihahatid sila ng kani-kanilang tatay sa kabilang pampang o baybayin para makapasok.

Kaso, kadalasan sa kanilang pag-uwi... wala si tatay-- nasa laot pa.

Kaya ang opsyon ng mga bata, ibabaon nila sa buhanginan ang kanilang mga gamit-eskwela bago lusungin ang dagat.

Abot-tanaw man ang kanilang isla... peligroso para rin sa mga estudyante ang nakasanayang gawain.

Kalimutan na natin ang anggulong kahirapan sa nasabing palabas.

Para sa akin, gaya nga ng naisulat ni Vlad Romero... maganda itong ipapanood sa mga batang tamad mag-aral.






Well, naalala ko naman noong nasa college ako.

Wala pang announcement noon ang eskwelahan namin sa Maynila sa kasagsagan ng 'monsoon rains' daw.

Not knowing na lubog na pala sa baha-- hanggang balikat na ata-- ang mula Taytay hanggang Cainta. Mula Antipolo, nagtiyaga ako na lusungin iyon... pero bago pa ako makapangalahati ng 'lap' sa baha-- buti't may 'rescue boat' ang dumaan at kaming mga 'swimmer' ay tinulungan.

Too bad, dumating ako sa school na nag-suspinde na rin pala ng klase hehe.

No comments: