Monday, July 14, 2008

BAKASYON GRANDE!

3 DAYS akong na-bakasyon...pwersahang nabakasyon!

Aminado ako na partly ay inenjoy ko ang panahong iyon pero dahil sa 'nature' kung bakit bigla akong nabakasyon-- na-stress nang husto ang isip ko.

Encouraging words from my co-workers [Vlad, Ate Khorrie, Joy, John, Edc] at sa mga kapwa-nabakasyon ko [Joel, Loveleah, Verlyn, Julius] ay malaki ang naitulong para wag ako masyado mag-isip ng negatibong bagay...naks!

Si Joel naman, kainis minsan...

Nung nasa mall kami, panay positive things ang pini-feed sa amin. Yun pala, nung magkahiwa-hiwalay na kaming mga 'bakasyunista'-- panay text sa akin ng mga 'alalahanin.'

Sinaway ko nga hehe. Sabi ko, dapat siya ang unang-unang mag-apply ng mga 'inspirational quotes' sa sarili nya.

Nevertheless, hindi pa rin ako napirmi sa bahay sa aking bakasyon. I went to the gym and had some fun with friends na matagal ko ring 'di nakasama since nabugbog ko ang sarili sa mga raket even on weekends.

Binisita ko na rin ang aking hairstylist hehe.




At may nadiskubre nga lang ako na bad news... wala na akong 'singing power.'

Sa pagsalang ko sa videoke...hindi na ako nakatagal sa pagbirit. Wala na kasing praktis.

Anyway, back-to-normal na ako...back-to-work then.

Na-miss ko ang mangarag sa trabaho.
Na-miss ko ang mga co-worker ko.
Na-miss ko ang abnormal kong buhay.

No comments: