Tuesday, June 24, 2008

STUPIDO

Ito lang ang magiging reaksyon ko sa report kaninang umaga tungkol sa 'pagtapon ng basura' ng mga trak mula Makati City sa ahensya ng MMDA.

 

Ang siste, 40 garbage truck ang dali-daling iniwan ng mga drayber nito sa compound ng MMDA sa EDSA Guadalupe.

 

 

Ginawa umano ito dahil sa wala na raw mapagtapunan ng basura ang mga trak buhat nang maging epektibo umpisa kahapon ang pagpapasara ng Rizal Provincial Government sa Rodriguez Landfill.

 

Ang nasabing landfill ay matagal ding pinagtatapunan ng mga basura buhat Metro Manila.

 

Pero tila nga't nagsasawa na ang Rizal na maging tapunan pa sila.

 

+++

 

Ang pag-abandona sa mga umaalingasaw na basura mula Makati sa tanggapan ng MMDA ay malaking kahunghangan.

 

Kung sinuman ang nag-utos nyan-- Sir, ang kapal nyo!!!

 

Bagama't trabaho ng MMDA na maghanap ng tapunan ng mga basura ng Metro Manila, e, ano pa ba ang magagawa ng ahensya kung umaayaw ang mga lugar na pinagpipilian nitong maging landfill?

 

Sa halip gumawa ng ganyang kagaguhan, dapat tulungan ng mga local government sa Metro Manila ang MMDA sa problema sa tapunan.

 

Wag nang umeksena.

Kung may personal kayong problema naman sa pamunuan ng MMDA... Sir, wag kang mamersonal!

 

Hindi kami close ni MMDA Chairman Bayani Fernando. May ilan din namang proyekto ang ahensya na tutol ako...pero sa usaping ito-- hindi dapat si BF ang laging kinakastigo.

 

Ang problema ng Metro Manila ay HINDI lang SAKIT ng MMDA-- kundi nating lahat na narito sa rehiyon.



 

 
 

Send instant messages to your online friends http://uk.messenger.yahoo.com

No comments: