Wednesday, June 11, 2008

STUDENT MEAL



Todo-tanggi ang punong-guro ng Cupang Elementary School sa Antipolo City, Rizal na sapilitan ang pagbenta ng mga pagkain sa mga estudyante mula sa kanilang kantina.

Sa report ng Saksi [GMA7], may 60 mag-aaral ang dumaing ng pananakit ng tiyan , pagsusuka at pagtatae mula sa naturang eskwelahan.

Sinasabing ito'y matapos silang kumain ng puto, kutsinta at tinapay sa kanilang school canteen.

Patuloy pa ang mga pagsusuri ng mga doktor sa mga mag-aaral.

Ang pamunuan naman ng Cupang Elementary, nangakong ipatitigil muna ang transaksyon sa supplier ng mga pinaghihinalaang kontaminadong pagkain.

+++

Sa puntong ito...

Nais ko lang iparating sa principal ng Cupang Elementary na 'di sa akin bebenta ang pagtanggi nyo na 'di kamo sapilitan ang pagbebenta ng kakanin sa mga estudyante mula sa inyong kantina.

Mula elementarya hanggang kolehiyo, nasa pampubliko akong eskwelahan.

NORMAL o KARANIWAN na ang polisiya ng mga public elementary school ang obligahin ang mga mag-aaral na bumili kada araw ng isang pirasong nutribun, 1 cup ng 'soup for the day' at dalawang variety mula sa isang set of choices ng tinatawag na 'assorted'-- prutas man iyan, junk food, tinapay man o kakanin.

Ano ba Ma'am, naranasan ko ring mag-distribute [magbenta] ng nutribun kada row. Kailangan maubos ang 10 piraso nun sa isang row.

Syempre, naranasan ko ring kumuha at mag-distribute ng soup at assorted mula sa canteen.

Lahat kami, may baon pa ngang 'cup' para bumili ng soup. Mmm, okey sa akin ang champorado pero pag may ginataan-- i prefer the latter.

Nakakatawa pa nga, yung iba kong kaklase na napilitan lang bumili ng assorted [karaniwan ay bibingka]-- dahil ayaw nilang kainin [siguro kasi araw-araw na lang kasi] ay sa akin na binibigay!

Those days....

No comments: