Wednesday, March 19, 2008

HANGGANG DITO NA LANG

Hindi ko akalain na iindahin ko rin pala ang problema where my career, family and own happiness or contentment are at stake.
 
In my sixth year sa trabaho, tila ba nagsasawa na ako.
 
Partly, I am blaming this dahil sa lumalaking obligasyon ko sa bahay. Hindi na nga ba ako makahinga?
 
Ayaw ko'ng manumbat… pangarap ko rin naman ang tulungan ang pamilya namin na guminhawa… pero ayoko ring magpaka-plastik… sa totoo lang, nahihirapan ako.
 
Lumaki, lumiit man ang sweldo ko kasi… kukurampot lang ang nahahawakan ko.
 
Sa sobrang liit, nagi-guilty pa ako na ipambili iyon ng konting 'kapritso' para sa sarili and instead, itabi na lang iyon para maging allowance sa loob ng 15 araw. Calculate, not more than P100 each day, Quezon City to Antipolo.
 
'Mas mayaman' pa sa akin ang isang high school o college student.
 
Mmm… di naman kaya, napakaluho ko na sa lagay na iyan?
 
Kaya eto, after my work… kadalasan, hindi na tumatanggap ng 'raket' for extra-income.
 
Aminado ako, kailangan ko ng pera pero tila tinatamad na ako.. dahil para nga naman saan? Para sa bahay ulit? E, Sa akin?!
 
Dumagdag pa sa problema ko ang kagustuhan kong matuto ng ibang bagay…sumubok ng maraming bagay na aking na-miss daw noong kabataan at dahil na rin siguro sa kahirapan noon.
 
Hindi ko na raw hinahabol ang pera… gusto ko naman ay yung may maitutulong sa pag-unlad ng aking sarili… personalidad.
 
Minsan pa nga, nakukuha ko na ring isipin ang aking patuloy na pag-iisa. Alam nyo na ang ibig kong sabihin...
 
Am I really losing my grip?
 
Nakakatakot… may sayad na ata ako bwehehe


 
 

Send instant messages to your online friends http://uk.messenger.yahoo.com

No comments: