Friday, January 4, 2008

NAUUBUSAN NA PALA NG QUALIFIED PRESIDENTIAL BETS ANG PILIPINAS?

SHORTAGE?

Marami na ang nauubos ngayon sa Pilipinas.

Nung una ay mga puno, halaman at hayop...
sumunod ang nurses, doktor, scientists [di naman sila pinapansin dito ano], teachers...

ngayon, hulaan nyo...nauubusan na rin yata tayo ng mga pwedeng tumakbo bilang pangulo ng bansa.

Aba, biruin nyo't may plano pang kumandidato si Erap.

Hindi pala siya nadala sa anila ay mga 'traydor' niyang kaibigan.

Humirit pa ang ilang taga-Lakas CMD na pwede rin nilang ipantapat si FVR!
At may nagtutulak naman ngayon kay Cory Aquino!

Hindi ako naniniwala na nauubusan na tayo ng mga potential presidential bets sa 2010... ilusyon lang nila 'yun!

Aba, marami ang qualified...kamusta na nga pala si Eddie Gil na handa raw magbayad ng utang ng Pilipinas?

+++


MABUHAY ANG BAGONG BABY!

Aba, buntis pala si Jennylyn Mercado!
Matinik pala itong si Patrick... isang shoot lang ata hehe.

Nagulat talaga ang marami... bagong taon, bagong baby!
Yun nga lang, masa-sacrifice naman daw 'ata ang unang soap sana nina Jen at Pat... alang-alang sa baby.

Sa kabila nyan, di pa raw magpapakasal ang dalawa... di pa sila handa.

Sana, ang ibig lang nilang sabihin ay 'sooner o later ay pakakasal din sila' at hindi yung sa bandang huli ay malalaman nilang hindi pala sila totoong para sa isa't isa.

Showbiz!

+++


P20 BET SA LOTTO, BET MO?

Mahal na ang minimum bet sa Lotto 6/49... pag nagtuloy ito ay posibleng lahatin na ang iba't ibang klase ng draw games sa Lotto ay magmahal na rin.

Apektado ang mga may panata sa lotto.

Yun nga lang, itong 2008... mas marubdob na nilang pag-iisipan kung tataya ba sila nang regular sa lotto.

I bet!

+++


EKSENA SA TREN

Sa halos araw-araw, dumarami na talaga ang mga sumasakay sa MRT at LRT... overpopulated aba!

Naku, eh, to think na small part lang ng tinatayang 90 million na population ng mga Pinoy ang nakasasakay ng MRT at LRT.

Marami na ring mga babae ang mas gugustuhing makipagsiksikan sa couches ng mga lalake kesa sa mga nakalaang tren for them.

Alam kasi nila na di kami gaano papalag sa kanila maski makipag-dunggol na sila sa amin hehe.

Well... ang ayaw ko lang ay may ilang babae na umaarte pa na animo ay sobrang nasaktan sa pakikipagsiksikan sa amin...ang tinis pa ng boses!

Ang iba namang lalake, grabe kung makabangga... braso kung braso ang labanan hehe.

Tiyak para kang nag-tricep/bicep workout after ng biyahe!

Dumadalas na rin ang pagdiskaril ng ilang tren nila.

Kaya asahan, pag nagtaas sila ng singil... wag na raw tayong kumontra!



+++


ENCHANTED DOJ?

Maayos na pala ulit ang website ng ating Department of Justice...ang www.doj.gov.ph

Tinutunton na ng DOJ ang mga may pakana o hackers ng kanilang website.

Biruin nyo ba namang nada-divert sa website ng Enchanted Kingdom pag sinubukan mong pumasok sa DOj site!

Heheh.... kwela rin talaga ang mga g***** naka-isip nun!

Kung hindi man anti-Sec.Gonzalez [DOJ] ang mga iyon ay anti-PGMA... mala-amusement park naman daw kasi ang kasalukuyang administrasyon.

Balik-normal na ulit ang doj.gov.ph....naroon nga at nakapaskil [pa rin?] sa homepage nila ang picture ng naka-smile na si Sec. Gonzalez!

Lagot daw ngayon ang mga nag-hack kay Sec!

1 comment:

wils said...

KASASAGAP LANG...

sa blog ni ederic eder, ini-report na hindi pala na-hack ang website ng DOJ.

Kinumpirma ito ng internet service provider ng kagawaran at maging ng grupo ng mga Pinoy hacker.

Nagkaroon lang daw talaga ng aberya sa configuration ng hosting ng DOJ website kaya napunta sa EK ang mga ito.