Monday, January 21, 2008

MULAWIN at LOBO

Bagama't naka-move on na raw sila, sorpresang ipinalabas nitong Linggo, pagkatapos ng SOP sa GMA 7 ang pelikulang Mulawin na noo'y pinagbidahan ni Angel Locsin bago ito lumipad sa kalabang network.

Adaptation lamang ang Mulawin mula sa telefantasya noon ng GMA of the same title naman kung saan si Angel din ang bida. Mula roon, unti-unti pa siyang sumikat.

Ang pagpapalabas ba ng Mulawin nitong Linggo ay pagpapaalala ba muli ng GMA kay Angel sa kanyang hinamak na pinanggalingan?

Sa January 28 na mag-uumpisang gumulong sa ABS-CBN ang LOBO, kauna-unahang teleserye ni Angel sa nilipatang istasyon.

Nagkakaisa ang lahat ng mga showbiz observer na ang LOBO ang magiging barometro kung tama ba o hindi ang paglipat ni Angel.

No comments: