Monday, January 14, 2008

ESPRESSO EXCELSO

Natopak ako na mag-coffee shop.

Gusto ko lang actually silipin ang isang bagong tayo na ESPRESSO EXCELSO sa may jeepney terminal ng mga biyaheng Cubao-Sumulong sa Antipolo.

Mukha nga kasing 'in' na rin ang mga ganitong establisyimento sa lungsod.

Kasing-laki lang marahil ng gazeebo ng working place namin ang cafe.

Mayroong 4 wooden table setups sa labas at 2 sa loob. May 2-seater sofa din sila at isang maliit na table where some good books to enjoy.

Simple kung tutuusin.

Hindi siya tatatak sa akin kung susumahin-- but an annoying-yet-funny experience will help me to remember that cafe.

Umorder ako ng large iced cappucino-- mura sya, P60... at puttanesca which costs P65.

Gusto kong kunan ng picture ang sarili ko sa coffee shop.







Stolen shot iyan ng pinag-uusapan nating cafe.^>





Pinapupunta kasi roon ng kapatid ko... i-compare ko raw sa ibang cafe sa Antipolo.

Pero dahil nagka-aberya ang meeting ko with a friend sa naturang place... so parang naalangan ako.

Kaya, naisipan kong magpaalam although iniisip ko rin nung una na maski wag na.

Anyway, nagpaalam pa rin ako.. dun sa cashier lady.

Ang kanyang sagot, sasabihin nya muna sa kanilang manager.

Actually, nasa labas ng shop ang manager.

Ilang saglit, pumasok ito at posibleng nakausap ni cashier lady.

Palabas ang manager ulit at may kalakasan syang naglitanya na ang parang ang thought ay "...bakit ako papayag [na makunan ng pic ang shop]? pinaghirapan mo tapos..."

Bagama't alam kong patungkol sa akin iyon... pero di ko gaano iyon pinansin.

Papaubos na ang nasa hapag ko at umorder na rin ako ng medium sized iced cappucino for take-out na sana...nang sabihan ako ng cashier lady na kausapin ko na lang ang manager nila regarding sa paalam ko na kumuha ng pics.

Nag-alangan na ako. Huwag na kaya siguro. Sino ba naman ako para kumausap pa sa manager ng isang shop tungkol sa isang bagay na kung tutuusin ay napakaliit at 'di naman bawal unless may house rules na sila tungkol dito?

Sumabad sa usapan namin ang isang lalaki na crew din ng cafe. Naglalampaso siya ng sahig. Galing sya sa labas kung saan ilang minuto kasama ang manager nila na hawig ni Claire dela Fuente... maliit nga lang.

Tinanong nya ako..."Sir, designer po ba kayo?"

Sa puntong iyon, nabigla ako sa tanong nya pero bigla iyon napalitan ng tawa. Pinigilan ko lang ang aking sarili na matawa.

Confirmed na ayaw ng manager na kunan ko yung place... at hinala pala nya, isa akong interior designer na may maitim na balak na kopyahin ang disenyo ng cafe nya.

HHAHAAHA

Gusto ko talaga that time na mangalupasay sa sahig sa pagtawa...

Humirit pa ang lalaki..."Sir, photogenic po ba kayo?"

Nag-isip ulit ako...photogenic?! Pa-cute lang siguro sa loob-loob ko.

Sundot uli nya... "Sir, photogenic po ba kayo...mmm... yung kumukuha ng pictures?"

HAHAHA

Sinarili ko na lang... "ah, photographer ata ang tinutukoy nya hehe"

Sabi ko, hindi ako [interior] designer at hindi rin photogenic [read: photographer].

Dahil sa magkahalong inis-pagkabigla-tawa sa nangyayari, bigla ko tuloy sinabi ang totoo kong trabaho para maisalba naman ang sarili ko mula sa kanilang mga pagdududa at syempre, napapahiya na rin ako aba!

Isinama ko na rin sa mga reason ko ang blog na ito para maniwala sila somehow.

Nagpatuloy sila [minus the manager] sa pakikipagkwentuhan sa akin sa totoo kong pakay sa shop.

Sa loob-loob ko, 'di hamak naman na mas magaganda at may potensyal na kopyahin ang disenyo ng ibang cafe kumpara sa ESPRESSO EXCELSO...tapos, ganun sila mag-isip tungkol sa akin.

Nag-alok na lang si cashier lady na sila na lang ang kukuha sa akin ng pic... but I refused.

Wala na kasing saysay, usal ko sa aking sarili. Kung hindi man ay palubag-loob na lang nila iyon...eh, ayoko nang ganon.

I left the cafe na bukod sa paubos nang iced cappucino ang bitbit ay ang kakaiba, nakakalungkot, nakakabanas pero kakatawang karanasan.

And only today I found out sa internet na may mga blogger na rin ang nagbida ng kani-kanilang pics sa pagtambay sa ESPRESSO EXCELSO.

Ilan sa pics ay tila nasa loob pa ng cashier area. Nakunan din ang ceiling, details of walls. At tama ba, pati CR?

Baka kako kamag-anak naman sila o friends invited ng mga owner ng EE.

O di kaya, na-harass nila ang mga crew dahil grupo-grupo silang mga nagpa-pic doon?

Kinumpara ko rin hitsura ko sa kanila... mmm... I believe na mas kagalang-galang naman ang hilatsa ng pagmumukha ko. Iyon nga lang, mas mukha silang may pera heheh JOKE!

I don't know kung kailan ulit ako makabibisita sa EE.

Gusto ko pa rin kumuha ng pics doon...

pero, I'll make it sure, may kasama na ako at pa-secret kong gagawin iyon hehe

LOL!

1 comment:

leiah said...

my hubby and i live in antipolo (near the cathedral) & we frequent at espresso excelso whenever we feel like dating (ang cheesy!). we love ee's mudslide & fish fillet, pati un excelso garden fresh salad nila. panalo sa palate pati sa budget.