Monday, January 28, 2008

EDSA DOS

[REPOSTED from Speak Out]

Ano ba ang napatunayan ng EDSA Dos?
Na kaya nating maghikayat para makabuo ng enggrandeng party sa makasaysayang kalsada?

Ano ba ang napatunayan sa EDSA Dos?
Na kaya nating magpatalsik ng pinunong 'di pasado sa panlasa ng mga taga-middle-class?
Na ayaw natin sa pangulong kurakot o baka naman, ayaw natin sa pangulong college dropout, babaero, sugarol... kahit na bukas naman ito sa publiko sa maraming taon?

Ano na ba ang pinanghahawakan ng EDSA Dos?
Kung ngayo'y watak-watak ang mga personalidad na nagpakinang ng selebrasyon...
kung palagay ng ibang paksyon ay na-onse sila ng mga inakalang kakampi nila...

Nasaan na ang mga taga-EDSA Dos... matapos mabuksan ang pinagtalunang 'second envelope'?

kung ngayo'y sinusuka ng marami ang kasalukuyang administrasyon?
kung ngayo'y halos lahat ay nanunuyo sa pinatanggal noon na pangulo?


Ituturo ko kung nasaan sila ngayon...
hayun, hanggang pagbubuhat na lang sila ng kani-kaniyang bangko... kani-kanyang grupo- kani-kanyang selebrasyon.
Kamusta na nga ba sila?
Pero salamat, marami rin kaming natutunan.
Ang mabuhay sa gubat, marapat matutong umatungal nang malakas-- 'sing bagsik ng leong naghahari.
...ang mandato pala ng bayan, pwedeng sirain ng nag-iinarte, nagmamagaling na minorya.

Sabagay, ilang taon na ang lumipas... nakapagdaos na rin ng eleksyon na anila ay nagbasbas nang tuluyan sa pagiging lehitimo ng gobyernong Arroyo.

Move on, sabi nila...
Pero dahil ang lahat ay nasulat na sa history books... may bagong multo na tayong magiging laruan sa debate at magagamit sa walang-katapusang panunumbat ng mga pulitiko at mga feeling pulitiko.

No comments: